Bulkang Bulusan balik na sa normal – Phivolcs

BULUSAN, Sorsogon, Philippines — Mula sa Alert level 1 (low level of unrest), ibinaba na kama­kalawa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa 0-alert (normal level) ang estado ng Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa Phivolcs, ­ibinaba na nila sa normal level ang alerto ng bulkan matapos ang naobserbahang pagbaba ng minomonitor na mga parameters kung saan halos lahat ay bumaba sa baseline levels at wala na silang nakikitang magmatic eruption sa susunod na mga araw. Bumaba at bumalik na sa average na 76 tonelada bawat araw ang ibinubugang asupre o sulfur dioxide makaraan ang pagtaas nito simula noong Oktubre 25 nang itaas sa alert level 1. Nasa “very weak to moderate plumes” na lang ang nangyayaring degassing activity mula sa summit na pasok sa background levels na nagsimula noong Setyembre, 2023.

Sa volcanic earthquakes naman ay bumaba na sa 0-5 tremors bawat araw simula noong pangatlong linggo ng Agosto.

Pinaniniwalaan ng Phivolcs na nagkaroon ng magandang epekto ang nangyaring 6.6 magnitude na lindol sa bayan ng Cataingan, Masbate malapit na Masbate segment ng Philippine Fault Line Zone.

Show comments