‘Most wanted rapist’ sa Marinduque, huli sa Bulacan

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang umanoy “numero unong” rapist sa probinsiya ng Marinduque sa manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng Guiguinto.

Kinilala ng pulisya ang naarestong wanted na si alyas Mark, na umano’y Top-1 Most Wanted Person Provincial Level ng Marinduque at Top Most Wanted Person Municipal Level ng Gasan, Marinduque.

Sa report, nahuli ang wanted nang silbihan ng warrant of arrest (WOA) ng tracker team ng Guiguinto Police kasama ang Gasan Police, PIU-Marinduque at Region 4B bandang alas-2:15 ng hapon nitong Nobyembre 11 sa Brgy. Poblacion, Guiguinto, Bulacan.

Ang WOA sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa ay inisyu ng Presiding Judge of Family Court, Branch 9, sa Buac, Marinduque.

Show comments