MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang dalawang menor-de-edad ang sugatan makaraang sumabog ang isang improvised fireworks sa Rosario Village, Brgy. Lagao, General Santos City kamakalawa ng hapon.
Nilalapatan ng lunas sa opsital ang mga biktima na sina Romeo Bacumo Tag-at, 31-anyos, na nagtamo ng matinding pinsala sa pagsabog at dalawang minor na kapwa 13-taong gulang.
Sa report, naganap ang insidente alas-5:20 ng hapon nitong Lunes sa kahabaan ng Molave Street, Rosario Village, Brgy. Lagao.
Lumilitaw sa imbestigasyon na improvised lamang at mali ang pagkakagawa ng nasabing mga paputok na nahaluan ng pulbura bunsod upang lumikha ng malakas na pagsabog nang sindihan.
Mabilis na nagresponde ang emergency team ng lungsod at isinugod sa pagamutan ang mga biktima para malapatan ng lunas.