P387 milyong shabu nakuha sa loob ng SUV

Batay sa ulat, ala-1 ng madaling araw nang makita ang nasa 57 kilo ng droga sa loob ng isang Mitsubishi Pajero na may plakang GAJ 2882 habang nagsasagawa ng inspeksiyon sa Liloan Ferry terminal sa bayan ng Liloan, Southern Leyte.

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit P387 milyong halaga ng illegal drugs ang nakuha sa isang sports utility vehicle (SUV) kahapon ng madaling araw sa Southern Leyte.

Batay sa ulat, ala-1 ng madaling araw nang makita ang nasa 57 kilo ng droga sa loob ng isang Mitsubishi Pajero na may plakang GAJ 2882 habang nagsasagawa ng inspeksiyon sa Liloan Ferry terminal sa bayan ng Liloan, Southern Leyte.

Lumilitaw na isinakay ang SUV sa MV Fastcat M17 mula sa Surigao
City patungo ng Liloan,

 Southern Leyte bitbit ng isang Benzar Mamalinta, base sa dokumento ng ferry.

Bunsod ng mahigpit na inspeksiyon sa Liloan port sa Barangay San Roque ng Phil Coast Guard, Liloan Maritime, Liloan Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Group (PDEA), isa-isang tinitignan ang mga sasakyan mula sa mga dumaong na ferry.

Napansin ng awtoridad ang abandonadong SUV kaya pinatawag ang driver na nagnga­ngalang Toring, ayon sa manipesto, subalit hindi lumutang.

Bunsod nito, agad na ginamit ng mga awtoridad ang K9 dogs kung saan nagpaikut-ikot ito sa nasabing SUV at nadiskubre ang mga droga.

Tatlong bag na naglalaman ng 57 pakete ng shabu ang nakita sa compartment ng SUV.

Tinutukoy na ng mga awtoridad kung kanino nakarehistro ang SUV kung saan nadiskubre ang malaking bulto ng shabu.

Show comments