‘Marce’ nag-landfall sa Cagayan: Norte binayo nang todo!

Signal No. 3 sa Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, northern portion Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued), northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo).

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng life threatening conditions sa northeastern Cagayan nang mag-landfall ang bagyong Marce sa bayan ng Sta. Ana.

Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ni Marce ay namataan ng Pagasa sa bisinidad ng Santa Ana, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 240 kilometro bawat oras. Dulot nito, nakataas ang Signal No. 4 ng bagyo sa northern portion ng Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam) kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol), northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos).

Signal No. 3 sa Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, northern portion Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued), northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo).

Signal No. 2 sa northern at central portions ng Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel, San Mateo, Alicia, Angadanan, City of Cauayan, Cabatuan), nalalabing bahagi ng Abra, Kalinga, Mountain Province, northern portion ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo, Mayoyao, Banaue, Hungduan), northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan), nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, northern portion ng La Union (Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Santol.

Signal No. 1 sa nalalabing bahagi ng La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Ifugao, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler), northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan), at northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria).

Si Typhoon Marce ay kumikilos pakanluran pa­puntang Aparri Bay at tinayang maaaring mag-landfall ulit sa baybayin ng northwestern mainland Cagayan nitong gabi ng Huwebes.

Pupunta ang bagyo sa kanlurang bahagi ng bansa ngayong Biyernes ng umaga sa west Philippines at saka palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) region, hapon o gabi ngayong Biyernes.

Dahil sa matinding magbayo ni Marce, nasa 4,912 pamilya o kabuuang 17,737 katao ang inilikas sa Cagayan.

Sa report ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 21 bayan ang nagsagawa ng preemptive evacuation base sa kautusan ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman at Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. upang maiwasang malagay sa panganib ang mga residente sa mga high risk areas sa nasabing lalawigan.

Show comments