Mula sa nasunog na warehouse Kemikal tumagas sa ilog sa Tayabas City

TAYABAS CITY, Philippines — Pinangangambahan ng mga residente ng lungsod na ito na posibleng maapektuhan ang kanilang kalusugan dahil sa pagtagas sa Isabang River ng kemikal mula sa isang nasunog na warehouse.

 Pinagbawalan na ng Tayabas City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Tayabas City Health Office ang mga residente na gumamit ng tubig mula sa naturang ilog dahil sinusuri pa sa ngayon kung ligtas itong inumin at gamitin.

Sinasabing tumagas ang mga kemikal mula sa Sunrise Dragon Jade Corporation, isang warehouse ng feeds, pesticide, at fertilizers na nasunog noong Nob­yembre 3.

Kumuha na ng water samples ang Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) para malaman ang mga chemical content na dumaloy sa ilog.

May ilang mga isda na nakitang patay sa gilid ng Ilog na pinaniniwalaang dahil sa kemikal.

Show comments