P14.5 milyong droga nakumpiska sa Region 3

Sa mga isinagawang 477 operasyon kontra droga ng iba’t ibang police stations sa buong rehiyon mula noong October 1-30, 2024 ay nakakumpiska ng kabuuang 1,939.662 gramo ng shabu at 10,742.294 gramo ng marijuana.
STAR/File

CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga, Philippines — Aabot sa P14.5 milyong halaga ng illegal na droga ang nakum­piska ng mga awtoridad sa Central Luzon sa unang 30-araw ng panunungkulan ni PBrig. Gen. Redrico Maranan bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3.

Sa mga isinagawang 477 operasyon kontra droga ng iba’t ibang police stations sa buong rehiyon mula noong October 1-30, 2024 ay nakakumpiska ng kabuuang 1,939.662 gramo ng shabu at 10,742.294 gramo ng marijuana.

Gayundin, 696 na mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga ang naaresto at kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

“Patuloy naming pinaiigting ang mga operasyong kontra droga at hindi kami titigil sa paghuli ng mga nasasangkot dito upang ganap na masawata ang salot na ito sa lipunan,” ani Maranan.

Show comments