^

Probinsiya

Misis ipinagtanggol sa nanitang kapitbahay, mister tinodas!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister nang barilin sa ulo ng kanyang kapitbahay matapos niyang ipagtanggol mula sa paninita ang kanyang live-in partner sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng bala sa ulo ang agarang ikinasawi ng biktimang si Aries Tuando, 45, ng Unit 6 Sitio Sto. Niño, Brgy. Mayamot, Antipolo City habang arestado ang suspek na si alyas “Chok-Chok”, 41, na siyang bumaril sa kanya.

Nakatakas naman ang isa pang suspek, na nakilalang si alyas “Dexter” na siya umanong may dala ng baril na ginamit sa krimen.

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police na naganap ang krimen sa tapat ng tahanan ni “Chok-chok” sa Sitio Sto. Niño dakong alas-9:30 ng gabi.

Bago ang pamamaril ay nakaupo lamang ang biktima sa tabi ng isang tindahan malapit sa kanilang tahanan nang biglang dumating si Chok-chok at sa ‘di pa batid na dahilan, ay sinita ang live-in partner ng biktima.

Nakita ng biktima ang pangyayari kaya’t inawat ang suspek at ipinagtanggol ang kinakasama.

Gayunman, ikinagalit ng suspek ang ginawa ng biktima, kaya’t kinuha ang isang baril mula sa bag na dala ni Dexter.

Kaagad nitong binaril sa ulo ang biktima, na agaran nitong ikinasawi saka mabilis na tumakas.

Mabilis namang nag­lunsad ng hot pursuit ope­ration ang mga pulis at naaresto ang gunman habang patuloy pa ring tinutugis si Dexter.

Narekober ng mga pulis mula kay Chok-chok ang isang kalibre .38 revolver na may tatlong bala, at siyang pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa mister.

vuukle comment

RIZAL

ANTIPOLO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with