‘Rapist’ na most wanted sa Calabarzon, timbog

Kinilala ng pulisya ang MWP na si alyas ­“Emerson”, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar at nakatala bilang MWP sa Regional Level (Calabarzon).
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

CAVITE, Philippines — Nalambat ng mga operatiba ng Warrant Section ng Magallanes Municipal Police ang isang most wanted person (MWP) dahil sa mga kasong rape at iba pang pang-aabusong seksuwal sa Brgy. Biga, bayan ng Tanza, dito sa lalawigan, iniulat kahapon ng pulisya.

Kinilala ng pulisya ang MWP na si alyas ­“Emerson”, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar at nakatala bilang MWP sa Regional Level (Calabarzon).

Sa ulat ng pulisya, isinagawa ang pagsalakay ng mga operatiba ng Magallanes Police Station laban sa suspek sa kanyang hinihinalang hideout sa Brgy. Biga, Tanza dakong alas-4:20 ng hapon nitong Linggo.

Bitbit ang mga warrant of arrest na inisyu ni Presideng Judge Raquel Ventura Aspiras-Sanchez, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 3, Tagaytay City, Cavite para sa 2-counts ng at 2-bilang ng Act of Lascivious sa ilalim ng Sec. 5 (B) ng R.A. 7610, inaresto ang suspek na hindi na nakapalag sa mga awtoridad.

Show comments