^

Probinsiya

2 babae hinoldap: Suspek huli sa checkpoint!

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 babae hinoldap: Suspek huli sa checkpoint!
Ayon kay P/Col. Ferdinand Germino, acting provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), natiyempuhan sa checkpoint ng mga kagawad ng General Tinio Police ang suspek na itinago sa alyas na “Rey”, isang magsasaka, binata, residente ng Barangay Callos, Peñaranda, Nueva Ecija, sakay ng kanyang kulay itim na walang plakang Kawasaki Bajaj, pasado alas-6 ng gabi.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Walang kawala sa batas ang 31-anyos na lalaking nangholdap sa dalawang 19-anyos na magkaibigang babae makaraang masakote sa isang police checkpoint sa bayan ng General Tinio, ng lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Ayon kay P/Col. Ferdinand Germino, acting provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), natiyempuhan sa checkpoint ng mga kagawad ng General Tinio Police ang suspek na itinago sa alyas na “Rey”, isang magsasaka, binata, residente ng Barangay Callos, Peñaranda, Nueva Ecija, sakay ng kanyang kulay itim na walang plakang Kawasaki Bajaj, pasado alas-6 ng gabi.

Ang suspek na nakasuot ng puting long sleeve at maong na pantalon ay tumugma sa ibinigay na “description” ng dalawang biktima na nakilalang sina Ryza Busalpa ng Brgy. Concepcion at Nicole Pascual ng Brgy. Sampaguita, kapwa ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng Gen. Tino Police, alas-5:20 ng hapon, naglalakad ang mga biktima patungo sa bahay ng isa pa nilang kaibigan sa Brgy. Padolina nang bigla na lang silang hintuan ng nakamotorsiklong suspek. Pagkababa ay tinutukan nito ng maigsing baril ang magkaibigan sabay puwersahang kinuha ang cellphone at bag ng isa sa biktima na may laman na P500, saka mabilis na tumakas lulan ng kanyang motorsiklo.

Nakapagsumbong agad sa pulisya ang dalawa kaya agad na naglatag ang mga pulis ng checkpoint sa Brgy. Padolina, Gen. Tinio na nagresulta upang maharang at maaresto  ang suspek.

Nabawi ng awtoridad mula sa suspek ang isang kulay asul na Realme cellphone ng biktima habang nakumpiska rin dito ang isang homemade caliber .22 firearm na may lamang bala; at isang plastic sachet ng hinihinala umanong shabu na may timbang na 0.53 gramo at nagkakahalaga ng P3,604.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with