CAVITE, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang hindi pa kilalang lalaki matapos na patayin habang nakagapos saka binalutan ang ulo nito ng packing tape saka itinapon sa gilid ng kalsada sa Governor’s Drive ng Brgy. Tanauan, bayan ng Tanza, dito, kamakalawa.
Biktima ng salvage ang hinala ng pulisya at pinatay sa ibang lugar bago itinapon sa Brgy. Tanauan ang hindi pa nakikilalang biktima.
Dakong alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa gilid ng kalsada na nakabalot ng packing tape ang ulo nito at nakagapos ang mga kamay.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow-up investigation ang Tanza Police at SOCO Cavite upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at mga responsable sa krimen.