LINGAYEN, Pangasinan, Philippines - Dadalo ang mga opisyal ng Pangasinan sa “Smart City Expo World Congress” (SCWEZ) sa Barcelona, Spain na nagsimula na ng Nobyembre 2 at matatapos ng Nov. 7, 2024.
Ang SCWEZ ay isang internasyunal na kaganapan kung saan pag-uusapan ang mga kaparaanan sa pagsusulong ng ibayong pagpapaunlad sa mga siyudad sa iba’t ibang panig ng mundo tungo sa maunlad na tahakin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga angkop na kaalaman at mga karanasan at gawain sa pagpapaunlad sa kabila ng mga hamon.
Ito rin ang magsisilbing daan sa pagtutuklas ng mga pinakabagong teknolohiya at magbibigay daan na lalong mapatibay ang ugnayan sa mga namumuno sa mga pamahalaan at mga negosyo sa buong mundo.
Inaasaahan na dadaluhan ng higit sa 25,000 katao mula sa pampubliko at pribadong sektor sa iba’t ibang panig ng mundo ang naturang pagpupulong.
Inaasahan din ang pakikibahagi ng mahigit na 1,100 na ekshibitor, at mahigit sa 600 na tagapagsalita.
Ang mga delegasyon ay inaasahan na manggagaling sa mahigit na 850 na siyudad at 130 na bansa.
Nabatid na nagpadala ng imbitasyon si Philippine Consulate in Barcelona Spain Consul General Maria Theresa SM. Lazaro kay Pangasinan Provincial Board Secretary Verna T. Nava-Perez at ibang mga opisyales ng Pangasinan.
Inaasahan na dadaluhan ng delegasyon ng Pangasinan sa mga nakatakdang iskedyul kabilang ang pakikipagpulong kay Consul Gen. Ma. Theresa SM Lazaro, Phl Consulate General, Barcelona, Spain ngayong Nov. 4; “Keynote Session: Majora Carter Infrastructure & Building: How Do Urban Resilience and Talent Retention Connect sa Nov. 5; Energy & Environment Mobility Dialogue: Elevating Urban Living: Engaging Communities and Integrating Services for a Net Positive Smart City sa Nov. 6; Keynote Session: Stephanie Hare Enabling Technology; at Benchmarking Tour in Barcelona City sa Nov. 8”.