Obrero nakuryente, hulog mula 3rd floor

CAVITE, Philippines — Kritikal sa pagamutan ang isang obrero makaraang makuryente at mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang bahay na ginagawa nito, kamakalawa sa City Homes Resortville, Brgy Langkaan 1, Dasmariñas City.

Inoobserbahan pa rin sa Dela Salle Medical Center sa Dasmariñas City ang biktima na kinilalang si Levi Abraham Donayre, 34-anyos, construction worker, at residente ng Phase 4 Maricris Complex, General Trias City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8:30 ng ­umaga, kasalukuyang gumagawa ang biktima sa may ikatlong palapag ng bahay na pag-aari ni Elsie Peruelo, nang aksidenteng mapahawak siya sa nakalaylay na live wire dahilan upang makuryente at tuluyang mahulog. Agad namang naitakbo ang biktima sa nasabing pagamutan.

Show comments