^

Probinsiya

2 preso pumuga sa Leyte jail

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinutugis na ngayon ng mga awtoridad ang dalawang person deprived of liberty (PDL) o preso na tumakas kamakalawa sa Leyte Sub-Provincial Jail sa Barangay Veloso, Calubian, Leyte.

Batay sa ulat ng Leyte Sub-Provincial Jail, nangyari ang pagpuga nina Arnel Halichic, 44, ng Brgy. Cabalquinto, Calubian, at Reggie Pepito, 32, ng Brgy. Suba, Villaba, Leyte  bandang alas-3:20 ng hapon nitong Huwebes October 31.

Ayon sa isang  jail officer, nakatakas ang mga nabanggit na preso matapos tumalon sa ginagawang pader ng piitan, at agad sumakay sa motorsiklo na umano’y naghihintay sa labas ng pasilidad.

Nagpalabas naman ng manhunt operation at checkpoint ang mga awtoridad, kasabay ng pagsasagawa ng dragnet operations para sa agarang pag-aresto sa mga naka-eskapong PDL.

PDL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with