Pabrika ng sigarilyo sa Cabanatuan, ni-raid ng BIR

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ang natu­rang pabrika ay illegal na gumagawa ng mga si­garilyo na matatagpuan sa Cabanatuan City.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Nilusob ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang malaking pabrika ng sigarilyo sa Cabanatuan dahil sa hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ang natu­rang pabrika ay illegal na gumagawa ng mga si­garilyo na matatagpuan sa Cabanatuan City.

Anya ang pabrika ay may P636,935,703.54 ng unpaid taxes at pe­nalties.

SInabi ni Commissioner Lumagui na naisagawa ang raid katulong ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at natuklasan nila na ang operasyon ng pabrika ay nasa ground floor ng isang rest house at mayroong truck contai­ners na ginagamit bilang storage facilities para pagtaguan ng mga kontrabando.

Nakita rin ang isang bunker at isang firing range bukod sa mga illicit cigarettes, machines, fake tax stamps, raw tobacco at ibang materyales na ginagamit sa pag manufacture ng sigarilyo.

Sa naturang raid, nahuli dito ang 15 Chinese nationals at ipaghaharap na ng kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC).

Show comments