Convenience store hinoldap, P30K natangay

Sa ulat ng pulisya, ala-1:59 ng madaling araw nang pasukin ng dalawang armadong kalalakihan ang 7-11 convenience store sa nasabing lugar
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang convenience store ang pinasok at hinoldap ng dalawang lalaki na nagpanggap na customer naganap kahapon ng madaling araw sa Caldo Compound,Paliparan Road, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:59 ng madaling araw nang pasukin ng dalawang armadong kalalakihan ang 7-11 convenience store sa nasabing lugar

Isa sa suspek ang pumasok sa loob at nagpanggap na customer habang ang isa ay nagsilbing lookout.

Nag-ikot ikot pa umano ito sa loob at ng makakuha ng ti­yempo ay lumapit na ito sa cashier at tinutukan ng baril ang staff bago nagdeklara ng holdap.

Natangay ng mga suspek ang kinitang mahigit P30,000 at mabilis na tumakas sakay ng nasabing motor na may plate number 471QQH patungo ng direksyon ng Bacoor City.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ng backtrac­king ng CCTV footage hinggil sa insidente.

Show comments