P1 milyong shabu nasamsam ng PDEA sa Lanao del Sur

Ayon kay Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, isang entrapment operation sana ang kanilang isasagawa sa Barangay Kili Kili East sa Wao ngunit sila ay pinaputukan ng mga kasama ng isang dealer na bibilhan sana nila ng shabu.

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P1 milyon na halaga ng shabu mula sa mga armadong dealers matapos ang engkuwentro sa isang liblib na barangay sa Wao, Lanao del Sur nitong umaga ng Miyerkules.

Ayon kay Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, isang entrapment operation sana ang kanilang isasagawa sa Barangay Kili Kili East sa Wao ngunit sila ay pinaputukan ng mga kasama ng isang dealer na bibilhan sana nila ng shabu.

Nakahalata ang naturang grupo, pinamumunuan ng isang alyas Paulo na kilalang shabu dealer sa Wao, na mga otoridad ang bibili ng P1 milyon halaga ng shabu kaya agad na namaril.

Nakumpiska nila Castro at kanyang mga kasama ang P1 milyon na halaga ng shabu na naiwan nila Paulo at kanyang mga armadong mga kasama.

Show comments