MANILA, Philippines — Nagsimula nang magpadala ng karagdagang family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Batanes na apektado ng Bagyong Kristine.
Sa DSWD Media forum, sinabi ni Irish Flor Yaranon, Chief Administrative Officer ng National Resource and Logistics Management Bureau na may pauna nang higit 5,500 food packs ang naikarga sa barko ng Coast Guard at ibabyahe mula Pangasinan patungong Batanes.
Bukod dito, pinakilos na rin ang DSWD Cagayan Field Office para makapagpadala pa ng karagdagang food packs hanggang sa mabuo ang target na 14,000 FFPs.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD sa Office of Civil Defense para sa pangangailangan nito ng air assets na tutulong para sa mabilis na paghahatid ng relief packs.
Sa kasalukuyan, mayroong 1,658 food packs ang nakapreposisyon sa Batanes.