^

Probinsiya

Lalaki pinatay ng kapitbahay na pumatay sa alagang kabayo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos matanggal ang ulo ng isang lalaki matapos pagtatagain ng kanyang kapitbahay na nairita dahil sa paulit-ulit na pagbanggit sa pagpatay sa alaga nitong kabayo sa bayan ng Catmon,Cebu.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Jenelito Pontejon, 46, habang nadakip naman ang suspek na si Felix Abajo, 66, at kapwa residente ng Purok Abocado Maca-as.

Sa report ng Catmon Municipal Police Station, bago nangyari ang krimen, alas-7:00 ng gabi sa nasabing lugar ay namatay ang alagang kabayo ng biktima at ina­min ng suspek na siya ang pumatay at nangako na babayaran na lamang niya.

Habang nag-iinuman ang suspek at biktima, paulit-ulit na binabanggit na ang namatay nitong kabayo ay kagagawan ng suspek na nagpan­ting ang tenga nito.

Dahil dito, kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga sa batok ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen, sumuko naman sa pulisya ang suspek sa mga rumespondeng pulis. Nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek.

vuukle comment

CATMON

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with