MANILA, Philippines — Dalawang Chinese fishing vessels ang na-monitor ng Philippine Navy sa silangang bahagi ng karagatan sa lalawigan ng Aurora nitong Martes.
Ito ang kinumpirma ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, spokesman ng Philippine Navy sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Trinidad, ang nasabing mga fishing vessels ay dalawa lamang sa daang mga dayuhang vessels na mino-monitor ng PH Navy kada araw.
“This is not alarming. It is not only the Chinese fishing boats we have monitored. There are other fishing boats of other countries all over our EEZ( Exclusive Economic Zone ), including ASEAN countries and the Pacific Island states,” pahayag ni Trinidad sa press briefing .
“Their presence will also be dependent on the weather. Generally, ‘pag may typhoon, the number of maritime traffic decreases,” ayon pa sa opisyal.
Sa kaniyang post sa X, sinabi naman ni US maritime expert Ray Powell na kabilang sa nasabing mga bangkang pangisda ng China ay ang Lu Rong Yu 51794 at ang Lu Yan Yuan Yu 017 na pawang nago-operate sa silangang bahagi ng karagatan ng Pilipinas o mas mababa sa 20 nawtikal na milya mula sa San Ildefonso Peninsula (Casiguran, Aurora Province , Luzon ).
Ang bahagi ng karagatan ng Aurora ay mas malayo sa kalupaan ng China at higit na mas malapit sa silangang bahagi ng bansa.
Nitong Lunes, matapos salantain ng bagyong Kristine ang 17 rehiyon sa Pilipinas partikular na ang Camarines Sur at Albay sa Bicol Region ay namonitor ang Chinese Coast Guard (CCG) vessels na nagsagawa ng mapangahas na pagpapatrulya sa karagatan ng El Nino, Palawan.