^

Probinsiya

5 todas sa madugong barilan sa Maguindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon
5 todas sa madugong barilan sa Maguindanao
Sa ulat nitong Lunes ni Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region, unang napatay sa insidente, sa poblacion ng DOS ang 16-anyos na si Abdulrahim Mangundatu na binaril ni Alrashid Untong, isang security guard.
(Kuha ni Jorge Hallare)

MANILA, Philippines — Lima katao kabilang ang isang menor-de-edad ang patay sa madugong barilan sa magkahiwalay na insidente sa Datu Odin Sinsuat (DOS), Maguindanao del Norte, nitong Linggo.

Sa ulat nitong Lunes ni Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region, unang napatay sa insidente, sa poblacion ng DOS ang 16-anyos na si Abdulrahim Mangundatu na binaril ni Alrashid Untong, isang security guard.

May alitan diumano sina Untong at Mangundatu na nauwi sa naturang madugong insidente.

Tumakas si Untong at nakapatay ng isa pa sa pamamaril na si Nasser Halid.

Napatay naman ang security guard na si Untong ng mga kamag-anak ni Halid na may mga baril din.

Dalawang residente pa ng isang poblacion sa DOS ang nasawi sa ikalawang madugong insidente nitong Linggo, ayon sa ulat ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station kay Macapaz.

Napatay ni Suharto Antong sa pamamaril ang kapitbahay na si Solayman Maulana makaraang maingayan habang kumakanta ang huli gamit ang isang sound system sa isang lugar. Nakaganti naman ng putok si Maulana kaya nasawi rin sa naturang insidente si Antong, ayon sa lokal na pulisya.

DOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with