^

Probinsiya

Relief mission team sa Albay inatake ng NPA: Sundalo sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Relief mission team sa Albay inatake ng NPA: Sundalo sugatan
This satellite image shows Albay.
Google Maps

MANILA, Philippines — Isang sundalo ang nasugatan matapos atakihin ng mga hinihinalang mi­yembro ng New People’s Army (NPA) ang tropa ng relief mission team ng pamahalaan sa Pio Duran, Albay nitong Linggo.

Agad kinondena ni Philippine Army Spokesman Col. Louie Dema-ala ang insidente na iginiit na hindi man lamang isinaa­lang -alang ng mga umatakeng rebelde ang relief mission na kailangang maihatid ang ayuda sa mga nasalantang indibid­wal sa kanilang komunidad.

Sinabi ni Dema-ala na kasalukuyang abala ang tropa ng Army’s 49th Infantry Battalion (IB) sa pamamahagi ng mga kinakailangang relief supplies sa mga naapektuhang pamilya sa Brgy. Matanglad, Pio Duran ng lalawigan nang mangyari ang insidente.

Bigla na lamang umanong umatake ang mga rebelde na pinasabog ang landmine saka pinaulanan ng bala ang mga sundalo na nauwi sa maikling putukan bago nagsitakas ang mga kalaban.

Ang nasabing sundalo ay mabilis namang isinugod sa pagamutan para malapatan ng pangunahing lunas.

vuukle comment

ALBAY

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with