^

Probinsiya

OCD nagpadala ng Rapid Team sa Naga City

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinadala ng Office of Civil Defense (OCD) ang Rapid Deployment Team (RDT) sa Naga City upang personal na pangasiwaan ang pagdala at distribusyon ng mga relief goods para sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicol Region.

“A team has been deployed to Naga to manage the incoming relief supplies arriving from Villamor Air Base to Bicol International Airport. This team will also facilitate the distribution of these essential items to affected areas. The Office of Civil Defense serves as the logistics coordinator for all incoming relief supplies transported via aircraft,” pahayag ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.

Ang mga relief items ay mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na ibinibiyahe sa Bicol Region para ipamahagi sa iba’t ibang lugar sa rehiyon na matinding nasalanta ni Kristine.

Ayon kay Nepomuceno, ang operasyon ay nagsimula nitong linggo kung saan kabilang rin sa tumulong sa paghahatid ng mga relief goods ay ang mga aircraft ng Malaysia at Singapore. Kabilang sa mga relief goods ay mga kitchen kits, shelter repair kits, family food packs, medical supplies at malinis na maiinom na tubig.

Samantala, si Civil Defense Deputy Administrator for Operation Asec. Hernando Caraig Jr. ay sumama kay Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagbisita sa mga evacuation sites upang magsagawa ng assessment sa sitwasyon sa lugar.

OCD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with