Lover ni misis tinarakan ng ice pick ni mister!

Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Nahuling magkatabi na natutulog...

MANILA, Philippines — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang mister makaraang tarakan ng ice pick ng isang construction worker makaraan niyang mahuli sa akto na kata­bing matulog ang kaniyang common-law wife o live-in partner sa loob ng kanilang barracks sa Antipolo, Rizal, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Lionell”, 39 anyos, residente ng Sitio Kaybagsik, Brgy., San Luis, Antipolo City, Rizal.

Tinutugis naman ang suspek na si alyas “Joseph”, 42, at residente ng Sitio Epheta, Brgy., San Isidro, Antipolo City, Rizal.

Sa ulat ng Antipolo Component City Police Station, alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa barracks ng International Swims Inc., sa Sitio Kaybagsik, Brgy., San Luis, Antipolo.

Naisugod pa sa Rizal Provincial Hospital System, Annex l ang biktima subalit binawian na ng buhay.

Sa imbestigasyon, habang natutulog na magkatabi ang biktima at si alyas “Jennifer”, na sinasabing “two-timer” ay sumalakay ang suspek at pinagsasaksak sa dibdib at likod ang biktima.

Isang saksi ang sumilip sa naulinigang komosyon at doon nakita ang suspek na papatakas na sakay ng Bajaj motorcycle.

Show comments