Manila DRRMO sumabak sa rescue ops sa Camarines Sur
MANILA, Philippines — Nakarating na kahapon sa Camarines Sur ang 14-man Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at agad na sinimulan ang paghatid-sundo sa mga pamilyang matinding dumaranas ng pagbaha na idinulot ng bagyong Kristine.
Gamit ang “Ondoy” rescue boats at trucks nakapagsakay na ng nasa libong residente sa Naga City. Inilikas ng rescue team ang mga nasa bubong ng kanilang bahay dahil sa mataas na tubig-baha sa Naga at mga katabing bayan sa mas ligtas na lugar, at kung saan sila maaaring maabutan ng mga relief goods at iba pang serbisyo.
Naging prayoridad ng MDRRMO team ang mga lugar na hanggang kahapon (Linggo) ay hanggang beywang pa rin at hanggang tuhod ang baha, na noong nakalipas na 5 araw ay napaulat na umabot sa lagpas-tao.
Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na mananatili sa Camarines Sur ang MDRRMO hanggang kakailanganin pa ang kanilang tulong.
May bitbit din ang MDRRMO ng portable water filtration system na itinayo upang makapagbigay ng malinis na tubig-inumin at para sa personal hygiene.
- Latest