Barangay Chairman, driver todas sa ambush!

Kinilala ang biktima na si Barangay Mataloto, Leyte, Leyte chairwoman Mary Ann Bacunawa at isang nagngangalang Mar na motorcycle-for-hire driver.

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman at driver ng motorsiklo na kanyang sinakyan matapos tambangan at pagbabarilin kamakalawa sa Barangay Bagabao, Leyte, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Barangay Mataloto, Leyte, Leyte chairwoman Mary Ann Bacunawa at isang nagngangalang Mar na motorcycle-for-hire driver.

Batay sa imbestiga­syon, galing sa Barangay Bagabao ang mga biktima at patungo sa Barangay Mataloto nang biglang harangin ng suspek at pinagbabaril ang mga ito.

Idineklarang dead-on-the-spot si Bacunawa habang namatay sa ospital si “Mar”.

Inilarawan ang suspek na may taas na 5’3”, ba­lingkinitan, nakasuot ng itim na shirt at pantalon, at bonnet.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek patu­ngong Barangay Bagabao at Barangay Libertad, Kananga, Leyte.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation  at operations ang  pulisya laban sa suspek.

Inaalam na rin kung may mga CCTV sa lugar na makatutulong sa pagtukoy sa suspek.

Show comments