500 PDLs ligtas na nailipat sa San Ramon prison
MANILA, Philippines — Isa pang batch ng 500 person deprived of liberty (PDL) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang ligtas na nailipat kamakalawa sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.
Ang mga inilipat na PDLs mula sa Maximum Security Camp ay 147, nasa 153 mula sa Medium Security Camp at 200 sa Reception and Diagnostic Center.
Sinabi ni Catapang na ang mga inilipat na PDL ay sinamahan ng may 150 Corrections Officers na binubuo ng BuCor SWAT, Escort Team, medical personnel at augmentation mula sa Philippine National Police Patrol at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang paglipat ng mga PDL sa iba’t ibang operating at prison farm sa buong bansa ay bahagi ng programa ng BuCor upang matugunan ang pagsisikip sa NBP at bilang paghahanda sa tuluyang pagsasara ng correction facility sa 2028.
Samantala, sinabi ni Catapang na ang Iwahig Prison and Penal Farm kamakailan ay nagsagawa ng groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng P272.1 milyong bagong pasilidad para sa Correctional Institute for Women na kayang tumanggap ng 500 PDLs.
Ang makabagong pasilidad na ito ay magtatampok ng dalawang palapag na Type ‘B’ Dormitory Building na idinisenyo upang tumanggap ng sampung PDL bawat cell. Ang pasilidad ay nilagyan ng pangunahing perimeter concrete fence, kumpleto sa mga catwalk, hagdan, post tower, at mga indibidwal na comfort room. Kasama rin dito ang mga probisyon para sa pangunahing sliding steel gate, pangalawang perimeter fence at solar light.
- Latest