^

Probinsiya

Jeep sumabit sa kawad ng kuryente, driver tusta!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Jeep sumabit sa kawad ng kuryente, driver tusta!
Kasamang nasunog ang isang jeepney driver nang sumabit ang minamanehong sasakyan sa kawad ng kuryente at magliyab sa Brgy. 24, Legazpi City, Albay kahapon ng tanghali.
Courtesy: Josefino “Doy” Dioquino

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng hindi pa nakikilalang driver nang matusta makaraang masunog ang minamanehong pampasaherong jeepney nang biglang sumabit ito sa kawad ng kuryente sa kahabaan ng kalsada sa harap ng Tanchuling Hospital at SSS-Legazpi City Office sa Brgy.24, dito sa lungsod, kahapon ng tanghali.

Patuloy na kinikilala ng awtoridad ang biktimang driver ng pampasaherong jeepney na may plate number EVU-299 na may rutang Legazpi City-Polangui na bagama’t nakalabas pero inabot pa ng nagliliyab na behikulo.

Sa ulat, pasado alas-12 ng tanghali habang binabagtas ng naturang jeepney ang kahabaan ng naturang kalye nang aksidenteng sumabit ang sasakyan sa nakalambiting kawad ng kuryente dahilan para kumislap ito at biglang nagliyab.

Ayon sa mga nakasaksi sinubukan pa sa­nang lumabas ng driver pero nakuryente ito at bumagsak sa kalsada katabi ng minamanehong sasakyan. Dahil sa lakas ng apoy ay inabot ang biktima dahilan para masunog ang buong katawan nito.

Sinubukang tulungan ang driver ng napadaang mga kasapi ng SWAT-Team ng Legazpi City Police Station pero umatras ang mga pulis dahil sa malakas na boltahe ng kuryente. 

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with