^

Probinsiya

‘Wanted’ timbog sa raid, nakunan pa ng shabu 

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang wanted person ang nahaharap sa panibagong kasong kriminal matapos makunan ng shabu kasama ang kasabwat nito sa ikinasang warrant operation ng awtoridad sa Barangay Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Martes ng hapon.

Sa inisyal na ulat ni Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, kinilala ang naarestong wanted person na si Joey Sanday.

Nabatid na habang sinisilbihan si Sanday ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 13 sa Cotabato City ng mga kasapi ng Sultan Kudarat Municipal Police Station na pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin ay nakuhanan pa siya ng shabu nang matiyempuhan habang kasama ang kasabwat nito sa illegal na gawain na si Kyle Taha Mastura.

Ayon kay Macapaz, nagtangka pang tumakas si Sanday at Mastura nang mapuna ang mga pulis na papalapit sa kanilang kinaroroonan sa Barangay Salimbao ngunit agad din silang nasukol at nang kapkapan ay nakunan ng mga nakapaketeng shabu na aabot sa halagang P6,868.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with