Babaeng patay nalambat sa dagat

CAVITE, Philippines — Isang bangkay ng ‘di pa nakikilalang babae ang nalambat ng ilang mangingisda sa baybaying dagat ng Brgy. Julugan, bayan ng Tanza, dito, kamakalawa ng tanghali.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na maging ang edad ay hindi na rin matantiya dahil sa matinding pagkababad ng nito sa tubig.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:10 ng tanghali nang malambat ang bangkay ng ilang mangingisda na palutang-lutang sa karagatan. 

Inaalam pa ng pulisya ang posibilidad na biktima ng pagkalunod ang biktima na naanod lang sa lugar makaraang tangayin ng malakas na alon ng dagat kasabay ng pananalasa ng bagyong Kristine kahapon.

Show comments