^

Probinsiya

Lalaki umawat sa away-mag-asawa binaril ng bayaw sa mukha, todas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos barilin sa mukha ng kanyang bayaw dahil sa tangkang pag-awat nito sa away mag-asawa, kamakalawa sa Brgy. Kanluran Rosario ­Cavite.

Wasak ang mukha sanhi ng tama ng bala ang biktima na si Christoper Trinidad Baquiran, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar, na agad nitong ikinamatay.

Tinutugis nang pulisya ang tumakas na suspek na nakilala lang sa alyas “Jose”, mister ng kapatid na babae ni Baquiran.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente. Nagtatalo umano ang suspek at asawa nito na kapatid ng biktima nang umawat ang huli.

Gayunman, sa tindi ng galit ng suspek, pinagbalingan nito ang umaawat na bayaw at binaril nang malapitan sa mukha.

Duguang humandusay ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek sakay ng Yamaha Mio motorcycle na kulay asul tangay ang baril na ginamit sa pagpatay.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with