^

Probinsiya

2-anyos swak sa kumukulong tubig, sanggol nalunod sa balde!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2-anyos swak sa kumukulong tubig, sanggol nalunod sa balde!
Isinugod pa ang biktimang si Jay-Jay Navarro, ng Barangay Nibaliw, San Fabian, Pangasinan, sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City subalit binawian din ng buhay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 2-anyos na batang lalaki nang aksidenteng mahulog sa kaldero ng kumukulong tubig habang patay rin ang isang sanggol nang malunod sa isang balde ng tubig sa magkahiwalay na insidente sa ­Pa­ngasinan at Bacolod City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Isinugod pa ang biktimang si Jay-Jay Navarro, ng Barangay Nibaliw, San Fabian, Pangasinan, sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City subalit binawian din ng buhay.

Ayon sa lola ng bata, nagpakulo sila ng tubig na may mga dahon sa kaldero para ipangsoob sa kaanak na may sakit. Inilagay sa sahig ang kaldero na may kumukulong tubig. Gayunman, doon din naglalaro ang paslit na biktima kasama ang isa pang bata.

Sa paglalaro ng bata, aksidente siyang na-shoot sa kaldero na may kumukulong tubig nang hindi na nagawa pang maisalba.

Samantala, patay rin ang isang 7-buwang gulang na lalaki nang malunod sa isang balde na puno ng tubig habang natutulog ang mga magulang sa kanilang tahanan sa Brgy. Sum-ag, Bacolod City nitong Lunes.

Nadiskubre ng mga magulang na nalulunod na ang kanilang anak ng alas-7:30 ng umaga sa balde na puno tubig sa tabi ng kanilang higaan.

Lumilitaw na madalas maglagay ng balde ang mga magulang sa dulo ng kanilang higaan para madaling linisin ang kanilang anak. Posibleng gumapang  o gumulong umano ang kanilang sanggol sa higaan at nahulog sa balde.

Dinala pa ang beybi sa ospital subalit hindi na naisalba pa.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with