P20.4 milyong shabu nasamsam sa Zamboanga City drug dealer nasakote
COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P20.4 million na halaga ng shabu sa isang dealer sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Zone II sa Zamboanga City nitong tanghali ng Martes.
Sa pahayag nitong hapon ng Martes ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, agad na inaresto ng mga hindi unipormadong mga kasapi ng ibat-ibang mga unit ng PRO-9 ang lalaking suspect matapos silang bentahan nito ng P20.4 million na halaga ng shabu sa Mayor Jaldon Street sa naturang barangay.
Ayon kay Masauding ang entrapment operation na nag-resulta sa pagkaaresto ng suspect at pagkakumpiska mula sa kanya ng P20.4 million na halaga ng shabu ay suportada ng mga operatiba ng Naval Intelligence and Security Group–Western Mindanao ng Philippine Navy.
Hindi na pumalag ang suspect ng arestuhin ng mga pulis at Navy intelligence agents na kanyang nabentahan ng shabu, ngayon nasa kustodiya na ng PRO-9 at gagamitin na ebidensya sa pagsampa sa kanya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest