Bebot na tulak, 2 pa huli sa P340K shabu

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Johaira”, ang babae tulak umano na target sa operasyon at mga kasamahang sina alyas James at alyas Joshua , kapwa nasa Street Level Individual list.

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang tatlong hinihilang tulak ng droga kabilang ang isang babae na High Value Target ng pulisya sa isinagawang drug bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Johaira”, ang babae tulak umano na target sa operasyon at mga kasamahang sina alyas James at alyas Joshua , kapwa nasa Street Level Individual list.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:40 ng madaling araw nang ikasa ng Provincial Drug Enforcement Unit Cavite Provincial Police Office (PPO) at Dasmariñas City Police ang isang buy-bust operation laban sa target na babaeng suspek.

Narekober sa mga suspek ang 5-selyadong plastic sachet na may laman na 50 gramong shabu at aabot sa halagang P340,000,00.

May nakumpiska rin sa mga suspek na 15 gramo ng marijuana at ang ginamit na buy-bust money.

Show comments