2 pa sugatan sa ligaw na bala Lalaki niratrat habang kumakain ng lomi

LOPEZ, Quezon, Philippines — Hindi na nagawang tapusin ng isang lalaki ang pagkain niya ng lomi makaraang barilin at mapatay ng hindi nakikilalang salarin habang nasugatan ang dalawang iba pa nang tamaan ng ligaw na bala sa Sitio Banal, Barangay San Francisco B sa bayang ito, kamakalawa ng hapon. 

Ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa likurang bahagi ng katawan ay kinilalang si Rufo Driz, 59 , may asawa isang magsasaka at residente sa naturang lugar. 

Ginagamot naman sa Magsaysay District Hospital dahil sa mga tinanong tama ng ligaw na bala sa kanilang katawan sina Rogen Villena, 29, at Mark Jayson Dimatulac, 24, kapwa mga binata at mga residente ng Barangay San Miguel Dao. 

Base sa imbestigasyon ng Lopez Police, alas 4:20 ng hapon habang kumakain ng lomi sa isang maliit na tindahan ang biktima nang dumating ang isang hindi nakikilalang lalaki at walang sabi-sabi nitong pinaulanan ng punglo ang una habang nakatalikod . 

Sa puntong iyon, tinamaan ng ligaw na bala ang dalawang iba pa na kumakain lang din sa naturang lugar. 

Mabilis na tumakas ang salarin na sakay ng isang kulay itim na XRM motorcycle patungo sa direksyon ng Barangay Cogorin Ilaya. 

Show comments