Lalaki natagpuang nakalubog, nakaipit sa mga ugat ng puno

CAVITE, Philippines — Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay sa ilalim ng tubig at nakaipit sa mga ugat ng puno sa ilog, kamakalawa sa Trece Martirez City.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:20 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa ilang residente hinggil sa pagkakatagpo sa isang patay na lalaki sa ilog ng Heritage Homes, Brgy. Gregorio, ng nasabing lungsod sa Cavite.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadiskubre ang ‘di pa nakikilalang biktima na nakalubog sa ilog at nakaipit ang katawan nito sa malalaking ugat ng puno.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at pinaniniwalaang inanod lamang ang biktima sa nasabing lugar at dito na na-stock makaraang sumabit sa ugat ng puno.

Sinisiyasat pa rin pulisya kung biktima ng summary execution ang biktima o dahil sa aksidente ng pagkalunod.

Show comments