3 magkakapatid dedo sa salpukan ng trike at motor

Kinilala ang mga nasawi na sina Marcus, 10; KL, 6, at Mikyla o Mikmik, 2-anyos, samantalang ginagamot sa ospital ang kanilang ama na si Michael Santillana habang hindi nasaktan ang isa pang anak na si Liway, 3-anyos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong magkakapatid ang patay habang sugatan kanilang ama nang sumalpok ang tricycle na kanilang sinasakyan sa kasalubong na motorsiklo, Sabado ng gabi sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marcus, 10; KL, 6, at Mikyla o Mikmik, 2-anyos, samantalang ginagamot sa ospital ang kanilang ama na si Michael Santillana habang hindi nasaktan ang isa pang anak na si Liway, 3-anyos.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas-11 ng gabi habang sakay ni Michael sa kanyang tricycle ang apat na anak galing sa pagselebra sa ika-40 araw na pagkamatay ng kanilang kaanak.

Nagulat na lamang nang bumangga ito sa isang motorsiklo.

Dinala pa sa ospital ang mga biktima subalit binawian din ng buhay.

Hindi naman matanggap ni Myla, misis ni Michael ang biglaang pagkawala ng kanilang tatlong anak.

Humihingi ng tulong-pinansyal ang ina ng mga bata para sa pagpapalibing sa tatlo nitong anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa masaklap na trahedya.

Show comments