^

Probinsiya

‘Solid North’, top choice party-list para sa 2025 elections - survey

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Nanguna ang bagong pasok na “Solid North” sa hanay ng “Party-list Top Choices” para sa nalalapit na 2025 Midterm Elections.

Sa isinagawang survey ng “Tangere” mula Oktubre 1-4, 2024, lumabas na umaarangkada at nangunguna ang Solid North Party-list sa mga napupusuan ng mga botante mula sa 44 party-list na may malaking tsansang mapabilang sa hanay ng mga magiging kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Base sa survey, ang Solid North Party-list ay nakakuha ng isang upuan sa Kamara, na maituturing na malaking milestone kumpara sa mga beteranong party-list groups katulad ng ACT-CIS, 4Ps at Ako Bicol. Arangkada rin para sa unang seat ang Malasakit@Bayanihan, Agri Party-list, and FPJ Panday Bayanihan.

Ang Tangere survey ay nilahukan ng sample size na 2,400 gamit ang “mobile-based respondent application” at “stratified random sampling method”.

Ayon kay “Solid North” chairman at national president ng League of Municipalities of the Philippines, La Paz, Abra Mayor JB Bernos, ang nasabing survey result ay malaking karangalan at sa pamamagitan nitong tinurang maagang  “de facto mandate.” Kung papalarin at mabigyan aniya ng pagkakataon na manilbihan sa lehislatura, ibubuhos nila ang 100 porsiyentong paglilingkod sa ngalan ng serbisyo publiko.”

Ang Solid North Party-list ay sumasaklaw sa tinata­yang 15 lalawigan sa hilagang Luzon, partikular na sa Region, 1, 2, Cordillera Administrative Region (CAR) at tatlo pang lalawigan sa Luzon kaakibat ang pagkaka­kilanlang “Timpuyog ti Amianan o Unity in the North.”

Pangunahing adhikain o agenda ng Solid North ang paninigurong mararamdaman at maging reya­lisasyon ang inisyatibong pangkaunlaran sa Hilagang bahagi ng bansa.

Sa pahayag ni Tangere Chief Executive Officer Martin Peñaflor, isinasalamin ng resulta ng survey na mataas ang interes ng mga botante sa mga party-list groups na nagmamalasakit at nagsusulong sa mga kapakanan ng marginalized sectors, particular na sa aspeto ng mga pangangailangan ng mga magsasaka at ng agricultural community.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with