454 pamilya nakinabang sa pabahay ng NHA

MANILA, Philippines — Nakinabang sa Pabahay Program ng National Housing Authority (NHA) ang  454 pamilya ng  Bustos, Bulacan sa isinagawang ikalawang Housing Caravan ngayong Oktubre.

Sa pakikipag-usap sa mga benepisyaryo, ipinaliwanag ni NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano ang kahandaan ng ahensiya para maresolba ang  problema ng mga ito sa bayarin sa pabahay. 

Karamihan sa mga isyung inilapit ng mga residente mula Bustos Heights at Bulacan Angat Heights ay ang tungkol sa amortization payments, delinquency interests at notices na nabigyan ng kasagutan ng technical unit, community support services, finance services at estate management ng NHA Region III.

Show comments