US government, PNP sanib-puwersa sa paghahanap sa American vlogger

Batay sa pahayag ng US Embassy, nagtutulu­ngan ang Amerika at mga awtoridad ng Pilipinas sa tuwing may mga US citizen na nawawawala. Ginagawa ng Pilipinas ang lahat upang mailigtas si Eastman.

MANILA, Philippines — Sanib-puwersa na ang United States authorities at Philippine National Police (PNP) sa paghahanap sa dinukot na American vlogger na si Elliot Eastman sa. Zamboanga Del Norte noong Huwebes.

Batay sa pahayag ng US Embassy, nagtutulu­ngan ang Amerika at mga awtoridad ng Pilipinas sa tuwing may mga US citizen na nawawawala. Ginagawa ng Pilipinas ang lahat upang mailigtas si Eastman.

“The Department of State has no higher priority than the welfare and safety of U.S. citizens abroad,” nakasaad sa statement.

Samantala, sinabi ng Police Regional Office 9 ng Critical Incident Management Task Group (CIMTG), na tukoy na nila ang ilang “persons of interest” sa pagdukot kay  Eastman  kung saan kabilang sa kanilang bineberipika ay  ang  hu­ling live stream nito ng umano’y pagbabanta  dahil sa pagla-live stream.

Sa live stream ni Eastman sinabi nito na matagal na siya sa Zamboanga subalit marami ang ayaw sa kanyang ginagawang  pag-live stream.

“I don’t really know what would happen if somebody did come here and try to kidnap me. Would the neighbors help me or would they just sit there and watch? Even last night, I’m scared a little bit,” ani Eastman sa kanyang video.

Anang CIMTG, may natukoy nang persons of interest ang CIMTG, bagamat nagpapatuloy pa ang imbestigasyon para kumpirmahin ang kanilang kaugnayan o kinalaman sa ibang grupo, o kaya ay ang motibo ng pagdukot.

Sinabi ni PBrig. Gen. Bowenn Joey Madaudding, task group commander na tinututukan nila ang kaso upang ma-rescue si Eastman na nakapangasawa ng isang Pinay at naninirahan sa Sibuco nang may limang buwan na.

Show comments