Scrap trader itinumba sa Batangas

Si Rico Obrador, negos­yante ng mga scrap products, ay namatay habang dinadala sa Batangas Provincial Hospital dahil sa tatlong tama ng bala sa kanyang katawan, ayon kay Major Francisco Luce–a IV, hepe ng Laurel Police Station.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang scrap trader ang binaril at napatay ng dalawang riding-in-tandem na armadong lalaki malapit sa bahay ng kanyang kapatid sa Barangay Dayap Itaas, Laurel, Batangas.

Si Rico Obrador, negos­yante ng mga scrap products, ay namatay habang dinadala sa Batangas Provincial Hospital dahil sa tatlong tama ng bala sa kanyang katawan, ayon kay Major Francisco Luce–a IV, hepe ng Laurel Police Station.

Sinabi ni Luce–a na lahat ng anggulo ay iniimbestigahan kabilang ang isang mistaken identity dahil ang napatay na biktima ay kamukha ng kanyang kapatid. Sinabi ng mga kamag-anak sa probers na si Obrador ay walang kaaway at walang anumang record sa komunidad at barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang may ginagawa ang biktima sa bahay ng kanyang kapatid nang dumating ang dalawang armado na sakay ng isang motorsiklo na armado ng hindi kilalang baril at agad siyang pinaputukan nang malapitan ng tatlong beses noong Biyernes bandang alas-6 ng gabi.

Ang mga gunmen ay nakasuot ng itim na jacket at blackmaong pants at itim na sapatos gayundin ang back rider na nakasuot ng parehong paglalarawan na humigit-kumulang 5’9 ang taas.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Show comments