^

Probinsiya

Barangay official nag-ala-Rambo: 1 patay, 4 sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines – Patay ang isang residente habang apat pa ang sugatan kabilang ang dalawang sundalo makaraang mag-ala-Rambo ang isang lasing na barangay official at walang habas na mamaril sa isang chicken barbecue stall sa may busy street ng Brgy. Bagontapay sa Mlang, Cotabato nitong Sabado ng hatinggabi.

Sa inisyal na ulat ng Mlang Municipal Police Station, agad na nasawi sa insidente ang biktima na kinilalang si Romnick Reyes, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dalawa namang off-duty enlisted Army personnel na sina Gilbert Dasig at Rollen Jay Duron, at dalawa pang sibilyan na sina Jomer Lumugda at Rosinda Macailing, ang sugatan sa pamamaril ng hindi pa tinukoy na opisyal ng barangay na tumakas.

Ayon kay Brig. Gen. James Gulmatico, director ng Police Regional Office-12, inatasan na niya ang mga opisyal ng Mlang Municipal Police Station at the Cotabato Provincial Police Office na arestuhin ang suspek at sampahan ng patung-patong na kasong criminal.

vuukle comment

COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with