3 stude tepok sa kidlat, 2 pa sugatan!

Ang isa sa limang kabataan na nasapol ng kidlat habang isinasakay ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa kanilang medical service vehicle, sa Barangay Damit, Bayog, Zamboanga del Sur nitong hapon ng Huwebes. Tatlo sa mga biktima ang idineklarang patay sa insidente.
John Unson

Nanguha ng saging para sa school intrams

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang tatlong menor-de-edad na estudyante habang malubha naman ang dalawang iba pa nang tamaan ng kidlat habang nangunguha ng bunga ng saging para maibenta para sa kanilang pangangilangan sa iskul habang umaambon sa isang sakahan sa Purok 6, Barangay Damit sa Bayog, Zamboanga del Sur nitong hapon ng Huwebes.

Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong Sabado, kinumpirma mismo ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP)-9 at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, habang nangu­nguha ng saging habang umaambon sa bukid nang biglang kumidlat ng malakas. Dito nasapol ng kidlat ang limang biktima.

Ang tatlo sa mga biktima ay idineklarang dead-on arrival sa isang pagamutan kung saan sila dinala mga kasapi ng Bayog Fire Station habang ginagamot na ang dalawang kasamahan na nagtamo ng mga paso at sugat sa katawan, ayon sa ulat ng Bayog Municipal Police Station.

Sa pahayag ng mga magulang ng mga estudyante, ang mga biktima ay nagpumilit na manguha ng saging sa isang sakahan, na pinayagan naman ng may-ari, upang maibenta sana sa palengke para kumita ng pera para sa kanilang mga pangangailangan sa kanilang school intramurals sa susunod na linggo.

Show comments