^

Probinsiya

No. 1 ‘most wanted’ sa Bicol region, timbog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
No. 1 �most wanted� sa Bicol region, timbog
Nakakulong na ang suspek na kinilala sa alyas na “Cardo”, 24-anyos, tubong Brgy.Libtong, Libon at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Palma, Alaminos, Laguna.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

LIBON, Albay, Philippines — Walang kawala at hindi na nakapalag ang isang kasapi ng kilabot na Concepcion Criminal Gang na itinuturing na Number 1 regional most wanted person ng Kabikolan matapos arestuhin ng mga pulis sa Sitio Pinagbadilan, Brgy. Buga, Libon, Albay, kamakalawa.

Nakakulong na ang suspek na kinilala sa alyas na “Cardo”, 24-anyos, tubong Brgy.Libtong, Libon at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Palma, Alaminos, Laguna.

Sa ulat, nakakuha ng impormasyon ang intelligence operatives na nasa Brgy. Buga ng naturang bayan ang suspek.

Sa koordinasyong ginawa ng mga kasapi ng Libon Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, 1st Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Unit 5, Regional Special Ope­ration Unit, Regional Mobile Force Battalion 5, Regional Intelligence Unit 4A ng Laguna, at Special Action Force (SAF) bitbit ang warrant of arrests dahil sa 3-counts of kidnapping at murder ay mabilis na sinalakay ang lugar na kinaroroonan ni Cardo. Kusa naman siyang sumama nang arestuhin ng mga pulis.

Ayon kay PRO5 regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon ang pagkakahuli kay Cardo ay lalong nagpahina sa Concepcion Criminal Gang.

Marami na umanong nahuli at sumuko matapos na mapatay sa operasyon ang lider ng nasabing gang na dating sundalo na si Gilbert Concepcion sa ginawang police operation sa Parañaque City.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with