Lady cop itinumba sa kanyang laundry shop

Sa inisyal na ulat nitong Sabado ng Police Regional Office-12, Patay agad sa tama ng bala si Police Corporal Rolinda Nono Tabamo, huling na-destino sa Tantangan Municipal Police Station sa Tantangan South Cotabato, nang barilin sa ulo ng isang lalaki habang nasa kanyang commercial laundry shop sa Datu Ingkal Street sa Kidapawan City.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Isang policewoman na corporal ang ranggo na matagal na diumanong hindi pumapasok sa trabaho ang napatay sa Kidapawan City, kabisera ng Cotabato Province, nitong gabi ng Biyernes, October 18, 2024.

Sa inisyal na ulat nitong Sabado ng Police Regional Office-12, Patay agad sa tama ng bala si Police Corporal Rolinda Nono Tabamo, huling na-destino sa Tantangan Municipal Police Station sa Tantangan South Cotabato, nang barilin sa ulo ng isang lalaki habang nasa kanyang commercial laundry shop sa Datu Ingkal Street sa Kidapawan City.

Ayon sa kanyang mga kasama sa pulisya, may administrative case ng absence without leave na kinakaharap ang 31-anyos na si Tabamo dahil sa matagal na niyang hindi pagsipot sa trabaho.

Nagtutulungan ang mga barangay at city officials at mga imbestigador ng Kidapawan City Police Office sa pagkilala sa pumatay kay Tabamo upang masampahan ng kaukulang kaso. 

Show comments