^

Probinsiya

Pawnshop nilooban: 2 suspek huli, 3 tugis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

1 sa mga suspek nakasuot ng PNP athletic uniform

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Ormoc City Police Office ang dalawa sa limang suspek sa panloloob sa isang pawnshop nitong Huwebes sa Lopez Jaena St., Brgy. South, Ormoc City.

Kinilala lang ang suspek sa alias Jay, 37, residente ng Brgy. Sto. Niño, Pagadian City, Zamboanga Del Sur  at alias John, 22, ng Brgy. Mabasa Argao, Cebu.

Nakasuot pa ng athletic uniform ng PNP si alias John nang masakote ng mga pulis.

Tinutugis naman ng awtoridad ang tatlo pang kasamahan ng mga naaresto.

Sa pagsisiyasat, pumasok sa establisimyento ang mga suspek subalit nakatunog ang isa sa mga  empleyado ng  pawnshop kaya agad niyang pinindot ang alarm button dahilan para agad ma-lock ang pintuan.

Dito na nagpulasan ang mga suspek at sumakay ng motorsiklo. Sa pagmamadali na makatakas, bumangga ang motorsiklo nina alias Jay at alias John sa isang tricycle na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto. Nakumpiska sa mga suspek ang isang caliber .45 Pistol at mga magazine.

Sinabi ni Ormoc City Police chief PCol. Reydante Ariza, patung-patong na kaso ang kakaharapin ni  alias John dahil sa pagsusuot nito ng uniporme ng pulis.

vuukle comment

ORMOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with