Shabu, seringilya nadiskubre sa trash bin ng hotel

CAVITE, Philippines —  Isang malalim na imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng mga awtoridad matapos makarekober ng shabu at gamit pang-injection sa isang trash bin ng isang kilalang hotel sa lungsod ng Bacoor.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:40 ng hapon nang mag­report sa Bacoor police ang Supervisor ng Golden Oasys Hotel Bacoor na si Julius Andre Mostajo, 26 anyos, residente ng Soldiers Hills IV, Brgy. Molino VI, Bacoor City, hinggil sa pagkakadiskubre nito ng shabu at injection sa isang trash bin ng nasabing hotel.

Ani Mostajo sa pulisya, habang nagtsi-check siya ng mga lagayan ng basura sa 1st  floor ng  hotel nang makita nito sa loob ng isa sa mga basurahan ang isang selyadong plastic sachet na may lamang shabu at isang sterile water injection na 20ml.

Agad nitong dinala at inireport sa police station ang narekober na droga.

Show comments