Pulis todas sa salpok ng 10-wheeler truck

Kinilala ang nasawing biktima na si Patrolman Fahad Asmi Masula, 25, residente ng Purok Proper, Brgy, Cacub, Koronadal City.

MANILA, Philippines — Isang aktibong pulis ang nasawi nang sumalpok ang minamaneho niyang kotse sa isang 10-wheeler truck sa national highway sakop ng Purok 2, Brgy. Glamang, Polomolok, South Cotabato, ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Patrolman Fahad Asmi Masula, 25, residente ng Purok Proper, Brgy, Cacub, Koronadal City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang insidente, alas-2:25 ng hapon ay minamaneho ni Masula ang kanyang Toyota Vios (NAZ-9609) ang kahabaan ng highway patungo sa General Santos City nang masalpok ng FAW dump truck na kulay berde (NHB4389) na minamaneho ni Ronnie Anngot Torino, 40, residente ng Purok Paglaum, Brgy. Upper Klinan, Polomolok South Cotabato.

Nayupi na parang lata ang kotse at agad na dinala sa ospital si Masula kung saan ito idineklarang dead-on- arrival.

Show comments