MANILA, Philippines — Dalawang phreatic eruption ang naitala sa Bulkang Taal nitong Miyerkules.
Sa ipinalabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kahapon ang dalawang phreatic eruption ng bulkan ay tumagal mula 5 hanggang 9 na minuto.
Nagkaroon ng moderate emission ng plumes na umaabot sa taas na 900 metro na pinayid ng hangin sa direksyong west-southwest at southwest.
Ayon pa sa Phivolcs, nagbuga ang Bulkang Taal ng 1,577 toneladang sulfur dioxide gas nitong Miyerkules habang nakitaan naman ng pagbulwak ng hot volcanic fluid ang Main Crater Lake nito.
Sa kabila ng mga aktibidad ng bulkan, patuloy namang nakataas ang Alert Level 1 status nito.