Suspek na pumatay sa lady trader na naningil ng pautang, sumuko

MAUBAN, Quezon, Philippines — Isang araw makararaang isagawa ang krimen, sumuko na ang suspek sa pananaksak sa isang lady trader nang dahil sa utang kamakalawa sa Barangay Bagong Bayan.

Sinampahan ng kasong homicide at nakapiit na sa municipal jail ang suspek na si alyas Arlene.

Magugunitang naganap ang krimen sa bahay ng suspek sa Sitio Stella Mariz noong hapon ng Oktubre 15 na nagresulta ng pagkakasawi ng biktimang si Michelle Pajarillo.

Ayon kay PMaj. Arjon Oxina, Chief of Police ng nasabing bayan, madalas umanong maningil ng utang ang biktima at nalalakihan na rin ang suspek sa interes dahilan upang humantong sa pananaksak ang dapat sana ay pag-uusap lamang.

Show comments